Picture of Juliana Maria Naval

Juliana Maria Naval

Author

Picture of Ireland Gail Laguio

Ireland Gail Laguio

Artist

DDS o Dilawan?

Facebook
Email
Print

DDS o Dilawan? Karaniwang mababasa o maririnig ang mga salitang ito kapag pulitika na ang paksa ng usapan. Ang 鈥淒DS鈥 ay nangangahulugang 鈥淒ie-hard Duterte Supporters鈥 habang ang 鈥淒ilawan鈥 naman ay bansag sa mga taong sumusuporta sa rehimeng Aquino. Palaging mayroong pagtatalo sa dalawang grupong ito, handang ungkatin ang pagkakamali ng parehong pangulo maipaglaban lamang ang kanilang idolo. Kapag dumating sa pagkakataong wala ka namang pinapanigan at nagsalaysay ng iyong hinanaing tungkol sa mga proyekto o gawain ng pulitiko, ika鈥檡 babansagang 鈥淒DS鈥 o 鈥淒ilawan鈥 depende kung sino ang sa tingin nilang iyong binabatikos o sinusuportahan. Matapos nito, ang panig na binabatikos ay nagtatanong ng 鈥淎no bang ambag mo? Edi ikaw na lang umupo sa gobyerno.鈥 Isang senyales na sila鈥檡 wala nang masabi at hindi na kayang ipaglaban ang sarili. 

Bilang isang mamamayan, ako ay nagbabayad ng buwis. Hindi man kasing laki tulad ng ibinabayad ng mga nagtatrabaho, ngunit ang bayad na ito ay kailangan pa rin ng gobyerno. Ang buwis na ito ang nagpapasahod sa mga pulitiko at pondo sa kanilang mga proyekto. Masama bang humingi ng mabuting serbisyo mula sa mga pulitikong ibinoto at pinagkatiwalaan ng mga tao?  Sa likod ng mga salitang aming binabato tuwing sila鈥檡 pinupuna ay ang hiling na sana鈥檡 magkaroon ng pagbabago kagaya ng kanilang mga ipinangako. Hindi namin hinihiling na maging perpekto ang namumuno. Ang kailangan ng mga Pilipino ay ang namumunong marunong makinig sa mga tao. Ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa. Huwag sanang pagkaitan ng karapatan ang mga taong magsalita. 

Bilang isang mag-aaral, tayo ang kinabukasan ng bayan. Ang tanyag na katagang ito mula kay Dr. Jose Rizal ay ginamit na sandata ng mga kabataan upang ipaglaban ang kanilang sarili. Hindi kami terorista o NPA. Sadyang ginagamit lamang namin ang aming utak sa maayos na paraan. Ano ang mangyayari sa kinabukasan ng bayan kung ang mga kabataan ay sarado ang isipan? Tinuturuan kami sa paaralan kung paano maging mabuting mamamayan at ipaglaban ang aming sarili mula sa mga taong magdudulot ng aming kapahamakan. Ang aming mga pinaniniwalaan ay hinubog ng aming mga pinag-aaralan at nababalitaan. Masasabi niyo bang kami ay mali kung ito ang itinuro ninyo sa amin? 

Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit pitong libong pulong hinahati ng dalawang partido. Sa katanungang 鈥淒DS o Dilawan?鈥 – sagot ko鈥檡 鈥淧ilipino.鈥 Hindi ko kailangan sambahin ang pangulo sa paggawa ng kanyang trabaho. Responsibilidad ng bawat Pilipinong pangalagaan at protektahan ang sariling bansa. Ang kamalian ng pinuno ay itinatama at hindi pinipilit maging tama. Sa panahon kung saan laganap ang pagtatalo ng bawat partido, nawa鈥檡 panigan ng mga Pilipino ang sariling bansa kaysa pairalin ang kayabangan huwag lamang mapahiya sa kalaban. 

View more articles